Chapter 53: Watching movie
"WHAT are you doing here?" tanong ni Khalid kay Troy nang mapagbuksan ito at kasama pa si Xander.
"Bawal na ba kami tumambay dito?" balik tanong ni Troy gamit ang salitang banyaga. Nakakalokong ngiti ang nakapaskil sa labi nito at nang-aarok ang mga titig sa kaibigan. Si Xander ay parang walang narinig na tumuloy na sa loob. "Where is George?"
Lalong nagsalubong ang kilay ni Khalid sa tanong ni Xander. "Hey, he was resting in his room so that bother to call him out." Saway ni Khalid kay Troy nang makitang kakatok ito sa silid ng bakla. Pagkatapos kumain ay pinapasok na niya ito sa silid nito kanina. Binilinan na matulog ng maaga at huwag nang lumabas ng silid dahil maaga silang aalis bukas.
"Its too early to sleep," ani Troy at itinuloy ang naudlot na pagkatok sa pintuan ng silid ng bakla.
Napapalatak na bumalik sa kinaupuan si Khalid at inabala ang sarili sa harap ng kanyang laptop. Napatunghay lamang siya nang bumukas ang pintuan ng silid. Niluwa niyon ang ulo ng bakla na may pag-aalinlangan na ilabas ang katawan. "We're going to watch movie, wanna koin us?" nakangiting anyaya ni Troy kay George.
Tatanggi pa sana si Gerlie ngunit nahawakan na ni Troy ang kanyang kamay at pahila na isinaman siya papuntang living room. Nakapantulog na siya ng damit kaya ayaw sana niyang lumabas. Hindi namam niya akalain na darating ang mga ito kaya maiksi lamang ang short na suot niya at manipis pa. Mabuti nalang at malaki at makapal na t-shirt ang kanyang naipares sa short.
"Sit here!" Matigas na utos ni Khalid sa bakla nang makita ang hitsura nito.
Nalilito na tumingin siya kay Troy, hindi alam kung saan talaga siya uupo.
Tinanguan ni Troy ang bakla upang sumunod kay Khalid. Sa nakikita niya ngayon na aura ng kaibigan ay alam niyang hindi nila ito maaring kontrahin o biruin.
Pagkaupo ng bakla sa kanyang tabi ay hinagis niya ang malaking unan galing sa sofa sa kandungan nito upang maitago ang hita sa mata ng mga kaibigan.
"How old are you, George?" tanong ni Xander upang basagin ang katahimikan na bumabalot sa kanilang apat na naroon.
"Twenty seven," kagat ang ibabang labi na sagot niya dito. Halos hindi siya makahinga dahil sa tensyong nararamdaman. Hindi niya alam kung saan ba siya natatakot at ganoon na lang ang kabog ng kaniyang dibdib lalo na kapag napasagi ang braso niya sa balat ng katabi.
"Do you have a boyfriend?" si Troy naman ang nagtanong ngayon sa bakla.
Umiling lamang si Gerlie bilang sagot sa tanong ng binata. Umayos siya ng upo at umurong ng kaunti upang hindi na mapadikit ang braso kay Khalid.
"I can help you find the man of your life here." Biro ni Troy sa bakla habang nakatuon ang tingin kay Khalid.
"He's here as my personal tutor, not for vacation and haunt a lover." Masungit na kontra ni Khalid sa biro ni Troy.
"C'mon, dude, give him a break sometimes." Giit ni Troy sa naisip para sa bakla.
"Kayong dalawa nga ay bumalik na sa inyong mga tirahan at mayroon naman kayong sariling television doon. Kung ayaw ninyo matulog, magpatulog kayo." Paaroganteng sikmat niya sa dalawang kaibigan gamit ang kanilang salita. Hindi na siya natutuwa ngayon sa biro ng kaibigan na dati naman ay katuwaan niya ito.
Sa halip na ma offend sa sinabi ng kaibigan ay lalo lamang naging makulit si Troy. "Pwede bang mahiram ko muna siya? Mukhang ayaw pa niyang matulog, nakakalungkot kasi mag-isa sa silid." Ininguso ni Troy si George na tahimik lang katabi ng kaibigan.
"No!" mabilis niyang sagot kay Troy at hindi na pinansin ang nanunukso nitong ngiti sa kaniya.
Tahimik lang na nakikiramdam si Gerlie sa pag-uusap ng dalawang binata. Wala siyang naiintindihan dahil nag-uusap ang mga ito gamit ang ibang language. Napatingin siya kay Xander, nahapit niya ang unan na nasa kanyang kandungan pataas sa dibdib nang mapansin na tumitingin roon ang huli.
Tumikhim si Khalid upang makuha ang atensyon ni Xander nang makita ang nanunuring tingin nito sa kanyang katabi. "Hindi ka pa sasabay kay Troy?" Tanong niya dito nang hindi manlang ito natinag sa kinaupuan. "Don't scare him." Bilin ni Xander bago tumayo.
"What?" Tila nabibinging tanong ni Khalid sa sagot ng kaibigan sa kanya. Tinalikuran lang siya nito at nauna nang lumabas ng pintuan. Nailahad niya ang kamay sa harap ni Troy at nagtatanong ang tingin kung nakuha ba nito ang ibig sabihin ni Xander.
Kibit balikat lang din ang sagot ni Troy kay Khalid. Nawewerduhan siya sa inaasta ng dalawang kaibigan mula ng magkaroon sila ng tutor.
"Goodnight, George!" Paalam ni Troy sa bakla na tahimik lang sa isang tabi.
"Goodnight!" Kumaway pa ang dalaga kay Troy at gumanti ng ngiti. Pagbaling ng kaniyang tingin kay Khalid at agad nabura ang ngiting nakapaskil doon. "Next time, wear proper clothes, particularly if those two are here."
Nakasimangot na inalis ni Gerlie ang malaking unan na nakapatong sa kanyang hita. "It's my proper nightwear."
"You like fighting with me?"
Mabilis na umiling si Gerlie at parang maamong pusa na nagyuko ng ulo. Ayaw niyang magalit ang amo at baka sa labas siya patulogin.
"Tomorrow, wear a man's clothes, is that clear?"
Tikom ang bibig na tumango siya bilang sagot muli dito.
Umiiling na tinalikuran niya ang bakla, hindi na ito muli nagsalita sa takot na magalit siya muli. Nilingon niya ito bago buksan ang pintuan ng kanyang silid.
Tikom ang bibig at mabilis na ngumiti si Gerlie sa masungit niyang amo habang ikinakamot ang kamay sa ulo. Nang tumalikod na ito, muli niyang naikuyom ang kamao at inamba ng suntok ang nakatalikod na binata. Nang wala na ang binata ay nanunulis ang nguso na pumasok na rin sa sariling silid at pabagsak na inihiga ang sarili sa malambot na kama.novelbin
"Hindi ako na inform na strikto rin sa pananamit ang manyak!" Kandahaba ang nguso na kausap niya sa sarili habang nakahiga sa kama.
Kinabukasan ay maaga siyang gumising at naghanda ng almusal niya. Dinagdagan na rin niya ang nilutong itlog at hotdog na nakuha sa refrigerator para sa binata kung sakaling gusto nitong kumain.
"Akala ko ba ay maaga kaming aalis?" kausap na naman niya sa kanyang sarili habang naghuhugas ng pinagkainan. Alas otso na ng umaga ngunit ni anino ng striktong manyak niyang amo ay hindi pa niya nakikita. Pumasok siya muli sa kanyang silid at nagbihis na.
"Aba, ang pogi ko pala!" Nakangisi na sinipat ang sariling repliksyon sa harap ng malaking salamin. Suot ang long sleeve at pinarisan ng panglalaking maong na pantalon. Bahagya niyang tinak-in sa pantalon ang suot pantaas at nagsuot ng sumbrero. Kinapalan niya lang ang kanyang kilay and 'viola'! Mukha na ulit siyang lalaki.
Liyad ang flat na dibdib at malalaki ang hakbang na lumabas ng silid ang dalaga. Sinanay ang sarili na umastang lalaki.
Natigil sa pagsubo ng pagkain si Khalid nang makita ang postura ng bakla niyang tutor. Tanaw mula sa kinaupuan niya ang sala kaya malaya niya itong napapagmasdan. Sinundan niya ito ng tingin, naglalakad ito na tila nagmo-model at hindi alam na may nanunuod. Gusto niyang matawa nang tumaas pa ang noo nito at lumiyad habang naglalakad. Nagmukha tuloy itong mayabang na barako. Ayaw man niyang aminin pero mukhang mas maporma pa ito keysa kanya ngayon tignan. Kung naging straight na lalaki ito, tiyak na marami rin magkandarapa dito na babae.
"Ay kalabaw!" Gulat na naibulalas ng dalaga nang pagpasok sa kusina ay nabungaran niya ang amo na mataman nakatingin sa kanya. Pakiramdam niya ay namula ang buo niyang mukha sa isiping nakita nito kung ano ang ginawa niya kanina sa sala. Napatingin siya sa plato nito, halos nangangalahati na ito sa kinakain.
"Good morning, Sir!" Nakayuko ang ulo na bati niya dito sa malagum na boses.
"Have you eaten?"
"Yes, Sir!"
"Good, just wait for me in thirty minutes," anito habang pinupunasan ang labi ng table napkin.
Awang ang mga labi na sinundan niya ng tingin ang binata. Napasipol pa siya nang mahina nang mapatingin siya sa pang-upo nito na bumakat dahil tanging boxer short lamang ang suot nito at manipis na sandong puti. "Phew! Nakakauhaw!" Mabilis niyang tinungga ang basong may lamang tubig. Inuhaw siya dahil aninag sa manipis na sandong suot ng amo ang anim na pandesal nito bukod sa namumukol na muscle sa binti at braso. "Ang laki rin siguro ng kargada niya," bulong ng pilya niyang isip.
Hindi na mawaglit sa kanyang isipan ang kakaibang naiisip ukol sa binata. Mukha tuloy siyang tigang na bakla dahil sa tinatakbo ng kaniyang maruming isipan ngayon. Paglabas ng lalaki ay natuon agad ang kanyang paningin sa harapan nito. Nadismaya pa siya dahil wala kahit anong bakas na nakita roon.
"Stop imagining my private part!" saway ni Khalid sa bakla nang mapansin kung saan ito nakatingin. Alam niyang may naughty mag-isip ang mga bakla kaysa babae. Pero nagtataka siya sa sarili dahil sa halip na makaramdam ng pandidiri ay parang proud pa siya na pinagnanasan ng bakla ang kaniyang katawan ngayon.
Patay malisya na tumalikod si Gerlie at nagkunwaring hindi narinig ang binata. Sinuot niya muli ang cap at sunglass bago sumunod dito palabas ng pintuan.
Nagpunta sila sa hotel na pag-aari ng mga ito. Maraming empleyadong pilipino roon at nagulat pa ang karamihan nang malaman na pilipino rin siya.
"Kuya, may girlfriend ka na ba?" Maharot na tanong ng isang babae na nakaupo sa reception. Iniwan siya roon pansamantala ng amo dahil may meeting umano ang mga ito.
"Boyfriend ang hinahanap ko, Ate!" Pinalambot niya ang kaniyang boses upang maniwala ito na bakla siya. Ayaw na niya maging barako pa dahil naalibadbaran siya sa hayagang paglalandi ng mga ito sa kanya.
"Ay, sayang naman ang kapogian mo, Kuya!" dismiyadong ani ng babae habang nakatitig sa kanyang mukha.
"Correction, kagandahan, Ate." Inirapan pa niya ang babae na ikinatawa lamang ng huli.
"Huwag kang ganyang, kuya, ayaw ni Sir Khalid ng babaeng kasama sa iisang bubong." Tumatawa na turan ng babae. Alam nilang lahat ang ayaw at gusto ng tatlong binatang amo dahil stalker silang mga empleyado ng mga ito. "Alam nila ang kasarian ko bago paman pumunta dito." Pabulong na turan ni Gerlie upang walang iba na makarinig.
Madaldala ang babaeng kausap kung kaya hindi siya nainip sa paghihintay sa amo na halos dalawang oras ding namalagi sa loob ng opisina nito.
Araw-araw ay ganoon ang nangyayari, isinasama siya at kung may pilipinong makakausap ang mga ito na ka-meeting related sa negosyo ay sinasama siya hanggang sa loob ng conference room. Pero kapag wala, iniiwan siya doon sa lobby at ang naging ka-close na rin niya ay ang babaeng madaldal. Mabilis din matuto ang amo dahil isang turo niya lang sa mga common words ay tanda agad nito.
"Hello, Daisy!" bati ng maganda at seksing babae sa kausap niyang receptionist.
"Oh hi, Ma'am Joy!" Masiglang bati rin ni Daisy sa babae. "Long time no see po, kumusta po kayo?"
Napataas ang kilay ni Gerlie sa pinapakitang pagkagiliw ni Daisy sa bagong dating na babae. Maganda ito at mukhang model.
"Kakarating ko lang from business trip, kumusta dito?"
"Ok lang naman, ma'am, tamang-tama ang dating mo dahil may dalawang linggo na ring nakabalik dito sina Sir Khalid mula sa Pinas.
Bakas sa mukha ng babae ang saya sa narinig na binalita ni Daisy. Parang wala siya sa paligid at dahil sa excitement ay hindi na nag-abalang sulyapan siya. Wala naman problema sa kaniya iyon, pero sa kaalaman na iisang tao lang ang gusto nitong makita ay naiirita siya. Sinundan niya ito ng tingin nang mabilis itong nagpaalam at umakyat sa palapag ng opisina nila Khalid.