Chapter 52: Unang araw sa Hong Kong
"ATE, pasalubong ko pag-uwi mo ha!" pabulong na bilin ni Chim sa kapatid, isinama siya roon ni Lyca upang magkita silang magkapatid bago ang alis ng mga ito mamayang hapon.
"Puro pasalubong ang nasa utak mo, hindi ba pwede na pag-ingatin mo ako sa halip na iyan ang naiisip mo?" pabulong din na sikmat niya sa kapatid. Nag-uusap lang sila ng mahina upang hindi marinig ang normal niyang tinig ng mga binatang amo na nasa kani-kanilang mga silid sa ngayon.
"Sa tingin ko naman ay hindi ka mapahamak sa mga kamay nila, Ate. Baka nga sila pa ang mapapahamak sa mga kamay mong tila bakal dahil makalyo."
"Ikaw!" napalakas ang boses na dinuro ang kapatid na madaldal tulad niya. "Tatapyasin ko na talaga iyang nunal sa baba mo!"
"Joke lang, ate, hindi ka na mabiro!" Tumatawa na inilagan ang binato sa kanya ng kapatid na slipper.
Napalabas ng silid si Troy nang marinig ang kumusyon sa kanilang sala. "You two were fighting?" tanong niya sa dalawa na tila naglalaro ng patintero sa pagitan ng sofa.
"No!" Magkapanabay na sagot ng magkapatid at may kasama pang iling.
Napangiti si Troy sa hitsura ng magkapatid, mukhang mas makulit ang kapatid ni George at madaldal din. Iniwan na niya muli ang mga ito nang masiguro na ayos lang ang mga ito sa sala.
"Umuwi ka na nga, nasa labas na si Ate Lyca mo, kailangan ko na rin magbihis dahil maaga kaming aalis papuntang airport." Taboy niya sa kapatid.
"Mag-iingat ka roon, ate ha, magkalayo na naman tayo!" Biglang lumungkot ang mukha ng dalagita.
Napangiti si Gerlie sa tinuran ng kapatid. Naiiyak na niyakap niya ito, ayaw niya rin naman magseryso ito sa pakipag-usap sa kanya dahil tumatagos sa flat niyang dibdib ang pagmamahal nito sa kanya.
"Ipagdasal ko ang iyong kaligtasan pati na rin ang kaluluwa ng iyong kabaklaan." Sumisinok na dugtong pang ani ni Chim.
Marahas na napabitaw siya sa pagkayakap sa kapatid nang marinig ang huling sinambit nito.
"Aray!" Nakasimangot na ani Chim habang hinihimas ang brasong hinampas ng kapatid.
"Umalis ka na bago pa kita mapalo sa puwet!" Pinandilatan niya pa ito ng mga mata upang sindakin sana. Ngunit ang pasaway na kapatid ay tumawa lang at nangahas pang kumatok sa silid ng mga lalaki upang magpaalam. Tama naman ang ginawa nito, pero may kasama pa kasing harot na feeling close kung makipag-usap kina Troy.
Halatang naaaliw ang tatlo sa kaniyang kapatid at nangako pa ang mga ito na buo pa rin ang katawan niyang babalik ng Pinas after three months.
Mabilis lang ang oras ng kanilang beyahe sa himpapawid dahil malapit lamang ang Hong Kong sa Pilipinas. Pinatabi siya ni Khalid sa tabi nito kahit na ang seat niya ay sa upoan sana ni Xander. Mag-uumpisa na umano siya sa pag-lecture dito tungkol sa kanyang kultura at salita kung kaya hindi na inisip ang ibang dahilan kung bakit katabi niya ito ngayon.
Napaganga ang dalaga pagkalabas ng airport sa Hong Kong. Ang gaganda ng tanawin at napapatingala siya sa magaganda at matataas na building na kanilang dinaraanan. Maganda rin naman ang mga building sa bansang middle east na napuntahan niya noon. Pero hindi niya na-enjoy ang view roon dahil nakakulong siya palagi sa bahay ng amo niya noon at bihira lang siya isama lumabas.
"Watch out!" Nahatak siya ni Khalid at nahapit sa beywang nang kamuntik na siyang bumangga sa makasalubong na lalaki dahil hindi tumitingin sa dinaraanan.
"Sorry!" paghingi niya ng paumanhin sa lalaking napatigil sa kanyang harapan at nakatitig na ngayon sa kanya. Ngumiti siya ng bahaw at humingi ulit ng apology sa pag-aakalang nagalit ito sa kaniya.
"Its ok, be careful next time." Sagot ng lalaki at bakas sa mukha nito ang pagkaaliw habang tinititigan siya sa mukha.novelbin
Magsasalita pa sana siya ngunit hinatak na siya ni Khalid palayo sa lalaking pogi. Ngayon niya lang napansin na hapit pa rin siya nito sa beywang habang naglalakad.
"No landi if you're with me!" Sita ni Khalid sa baklang kasama at pinisil ang maliit na beywang nito.
Nanlaki ang mga mata ni Gerlie at napanganga na tumingin sa amo. Hindi na niya pinansin ang pagpisil nito sa kanyang beywang, mas naagaw nang pansin niya ang tila galit sa tono ng pananalita nito at bintang na lumalandi siya. Gusto pa niya sanang matawa dahil ginamit na nito ang salitang LANDI na kanina lang nito natutunan.
"Don't talk!"
Naudlot ang tangkang pagbuka ng kaniyang labi at muling itinikum iyon muli nang inunahan siya nito magsalita. Masungit naman ngayon ang tonto nito.
"New Territory Taipo," basa niya na pangalan ng mataas na building. Ayon kay Troy, doon ang mga ito nakatira pero magkaibang pad ang tatlo. Nasa 5th floor ang dalawang kaibigan ng amo, sila naman ay nasa 6th floor. "Can I stay in your pad, Sir?" pabulong na tanong ni Gerlie kay Troy.
"Do I look more gentlemanly than Khalid?" Tumatawa na tanong ni Troy sa bakla. Bakas sa mukha nito ang pagkabalisa sa kaalamang si Khalid lamang ang makasama nito sa iisang bahay. "Don't worry, he's harmless and he make love only to a woman." Biro pa niya dito.
Napaaray si Gerlie sa sarili sa biro ng madaldal na binata. Wala naman sa kanya ang ganoong biro dahil hindi siya totoong bakla. Pero ang isipin na wala kahit kaunting malisya ang pakikitungo ng mga ito sa kanya dahil isa siyang bakla sa paningin ng mga ito ay nakakasugat din pala ng ego.
"Bakla, let's go!" salubong ang mga kilay na tawag sa kanya ni Khalid na nasa tapat na ngayon ng elevator.
"You may go, just call us or come here if you need help." Mahinahon na udyok ni Xander sa bakla.
Kagat ang labi na tumalikod si Gerlie, kinilig sa kabaitang pinakita sa kanya ni Xander.
"Use the other room," tinuro ni Khalid ang isang silid na para sa visitor. Dalawa ang silid ng pad nila, isang malawak na living room at dalawang bathroom. Ang isa ay nasa loob ng kanyang silid at ang isa ay nasa pagitan ng living room and kitchen.
Tahimik na tinungo ni Gerlie ang silid na tinuro ng binata. Ewan niya pero nakakaramdam na siya ng kaba kapag sila lang ng binata. Mas komportable siya kasama sina Xader at Troy. Mabilis na inayos niya ang kanyang gamit sa loob ng malaking wardrobe. Ang mga personal na gamit na pambabae ay inipit niya sa kanyang gamit upang hindi agad makita kung sakali na may ibang pumasok roon.
Paglabas niya ng silid ay ang tahimik ng paligid at hindi pa lumalabas ang lalaki sa silid nito. Uupo na sana siya nang tumunog ang message tone ng kanyang mobile.
"I called the restaurant and ordered the food for you. When they come, you can eat and don't bother to wait for me." Message from Sir Khalid.
"Asa ka naman na hihintayin kita at gustohing makasalo sa pagkain." Bulong ni Gerlie habang nakatingin sa nakapinid na pintuan ng binata. Inirapan pa niya iyon dahil parang nasaktan na naman siya sa isiping ayaw siyang makasalo nito sa pagkain.
Wala pang tatlumpong minuto ay may nag-door bell. Bigla siyang ginutom pagkakita sa seafood. Natuwa pa siya dahil ang nag-deliver ay isang pinoy.
"Baguhan ka lang dito kabayan?" Nakangiti na tanong ng lalaki sa kanya.
"Oo, kanina lang kami dumating." Sagot niya at hindi na binago ang boses. Mabuti na lang at may belo siyang ibinalot sa kanyang ulo kung kaya hindi nakita nito ang gupit lalaking buhok niya. Hindi rin halata na flat ang dibdib niya dahil maluwag ang t-shirt na kanyang suot at short na umabot sa tuhod ang haba.
"Matagal na ako dito at suki namin ang magkakaibigan na nakatira sa building na ito. Ngayon lang din siya nagdala ng babae dito." May pagka intrigirong wika ng boy.
"Tutor niya ako, gusto kasi nilang matuto ng salita natin." Pagtatama niya sa ibang iniisip ng lalaki.
"Wow, tiyak na malaki ang sahod mo diyan?"
"Tama lang," matipid niyang sagot sa lalaki. Gusto na sana niya itong paalisin at nagugutom na siya ngunit mukhang wala pang balak itong umalis.
"Ako nga pala si Al, sa ibaba ng building na ito lang ang restaurant na tinatrabahuhan ko."
"Gerlie," pakilala niya dito sa tunay niyang pangalan at tinanggap ang pakipag kamay nito sa kanya. "Who's there?"
Kinabahan si Gerlie nang marinig ang malakas at baritonong boses ng amo mula sa silid nito.
"It was me, Sir!" Lakas loob na sagot ni Al sa malakas na boses rin.
Napalabas si Khalid sa kanyang silid pagkarinig sa boses ng lalaki. Pamilyar sa kanya ang boses, pero hindi iyon ang inaasahan niyang magdadala ng order niyang pagkain para sa bakla niyang tutor. Mahigit sampung minuto na mula nang mag-door bell ito pero hindi pa rin umaalis. Kanina pa siya nakikiramdam sa kung ano ang ginagawa ng bakla. Ayaw niya sana munang makaharap ito, pero hindi niya napigilan ang sarili na labasin ang kung sino mang kausap ng bakla. "Do you want something else?" Nakakunot ang noo na tanong ni Khalid kay Al.
Bigla namang nailang si Al sa tono ng salita ng kaharap na tila hindi nagustohan ang kanyang presensya roon. Dati naman ay magiliw ang pakikitungo sa kanya nito tuwing magdala siya roon ng pagkaing inorder nito.
"Ahm nothing, Sir!" May pag-aalinlangan niyang sagot dito. Iaabot na sana ang pagkain kay Gerlie ngunit mabilis na ingaw iyon ng lalaki at ito na ang nagdala sa kusina sa halip na ang dalaga.
"Thank you!" Mahinang bigkas ng dalaga bago isinara ang pintuan kahit hindi pa nakaalis roon ang lalaki.
Dali-dali siyang pumasok sa kusina at gulat na napatingin sa manyak niyang amo. Napabuka ang bibig niya nang makita na nakaupo na ang amo sa harap ng lamesa at nakahain na sa harapan nito ang ilan sa pagkain. "Akala ko ay ako lang ang kakain?" tanong niya sa kanyang sarili.
"Close your mouth and sit!" hindi tumitingin sa dalaga na utos niya dito. Bigla siyang ginutom pagkakita sa pagkain kung kaya nauna na siyang umupo roon. Marami naman siyang in-order na pagkain kung kaya ok lang na sumabay siya rito sa pagkain.
"Ang bossy talaga!" reklamo ng dalaga sa sarili nang makaupo na. Parehong magana silang dalawa na kumain, tanging tunog ng kubyertos ang maririnig sa pagitan nilang dalawa habang kumakain.