Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman

Kabanata 80



Kabanata 80

Noong marinig iyon ni Meredith, hindi na siya nakapagpigil pa. "Jeremy, hinanap kita agad paggising

ko. Hindi nga ako nakapag-almusal. Anong gagawin ko kapag umalis ka?"

Hindi lumingon si Jeremy. "Pwede kang mag-almusal ngayon."

"..." Natulala si Meredith sa kinatatayuan niya. Pinanood niya si Jeremy na lumapit kay Madeline at

balewalain siya. Humigpit lalo ang hawak niya sa kanyang pitaka, para bang sasabog na siya ano

mang oras.

Nagulat din si Madeline sa mga ikinilos ni Jeremy. Subalit, mukhang seryoso siya sa mga sinabi niya.

Sinadya niyang bagalan ang lakad niya at tumingin kay Madeline pagdaan niya. "Sumama ka sakin."

Hindi maintindihan ni Madeline kung bakit ginagawa 'to ni Jeremy, pero nang makita niya ang

nanggigigil na mukha ni Meredith, ngumiti siya at sumunod kay Jeremy. Sumakay siya sa kotse ni

Jeremy.

Para hindi na sila magtalo, hindi na nagsalita pa si Madeline habang nasa biyahe sila. Hindi rin

nagsalita si Jeremy.

Sinilip ni Madeline si Jeremy at nakita niya ang mahamis at seryosong mukha nito.

Naalala niya ang mga panahon na sinisilip-silip niya si Jeremy noong nag-aaral pa sila. Hindi na niya

alam kung ilang beses niya bang ginawa iyon noon. Kahit na ang pakiramdam niya noong nagkagusto

siya kay Jeremy ay hindi ang pinakamagandang naramdaman niya, maganda pa rin ito at puro.

Subalit, hindi na siya makakabalik sa panahon na iyon.

Hindi na siya makaramdam ng kahit ano sa ano mang paglalambing ni Jeremy. Tanging poot at

kalungkutan na lamang ang kanyang nararamdaman.

Marapos na matulala sandali si Madeline napagtanto niya na huminto na pala ang sasakyan. Nasa

Whitman Corporation sila.

Nagtataka siyang tumingin kay Jeremy. Subalit, naunang lumabas ng sasakyan si Jeremy at naglakad

papunta sa passenger seat. Pagkatapos, binuksan niya ang pinto para kay Madeline.

Inakala niya na bukal sa loob ni Jeremy ang paghatid sa kanya sa trabaho, pero, lumalabas na hinatid Text content © NôvelDrama.Org.

lang siya ni Jeremy dahil may pupuntahan ito. Subalit, ayos lang din naman ito. Katapat lang naman ng

Whitman Corporation ang opisina ni Felipe. Kailangan na lamang niyang tumawid.

Bumaba ng sasakyan si Madeline bitbit ang kanyang bag. "Salamat, Mr. Whitman." Nagpasalamat siya

kay Jeremy at tumalikod.

"Saan ka pupunta?" Muli niyang narinig ang boses ni Jeremy. "Mula ngayon, dito ka na magtatrabaho."

Inisip ni Madeline na guni-guni lamang niya ito. Lumingon siya kay Jeremy. "Mr. Whitman, kung kulang

kayo ng tauhan, dapat maglagay kayo ng recruitment ad online."

"Madeline, huwag mong hintayin na magalit ako." Sumimangot si Jeremy. "Di ba gusto mong

magdesign ng mga alahas? Ang Whitman Corporation ang pinakamagandang lugar para mailabas mo

ang potensyal mo."

Magandang pakinggan ang alok ni Jeremy, pero parang hindi rin ito makatotohanan.

"Bigla ka bang nagkaroon ng konsensya, Mr. Whitman?" Tumawa si Madeline at nang-iinis na tumingin

kay Jeremy. "Gusto ko nga ang pagdedesign ng mga alahas, pero mas gusto ko yung pakiramdam na

pinagkakatiwalaan ako."

Nabigla si Jeremy nang marinig niya ang sinabi ni Madeline.

Mas lumaki ang ngiti sa mga labi ni Madeline. "Mr. Whitman, kailan ka ba nagtiwala sakin? Naniwala

ka ba sakin noong inakusahan ako ng plagiarism? Hindi, hindi mo 'ko pinaniwalaan."

Siya na ang sumagot para kay Jeremy. Pagkatapos, natawa na lamang siya.

"Kaya, please huwag mong kukunin ang isang tao na may history ng plagiarism. Baka kasi

magkaproblema ang kumpanya niyo sa oras na manggaya uli ako ng gawa ng iba."

Pagkatapos niyang sabihin yun, nakita ni Madeline na nagdilim ng husto ang mukha ni Jeremy. Para

bang may parating na bagyo.

Kinabahan si Madeline kaya tumalikod siya agad. Natatakot siya na mabisto ni Jeremy ang pekeng

ngiti niya kapag hindi siya nagmadali.

Noong maging pula ang ilaw sa traffic light, hindi matiis ni Madeline na silipin kung nasaan na si

Jeremy.

Nakatayo pa rin siya doon habang nakatingin kay Madeline.

Sa di malamang dahilan, mukhang malungkot siya sa mga sandaling iyon.

Nilihis ni Madeline ang kanyang tingin at tumawid sa tawiran. Subalit, para bang ramdam pa rin niya na

nakatingin sa kanya si Jeremy.

Nakokonsensya na ba siya at nagsisisi sa nangyari sa namatay nilang anak?

Hehe.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.