Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman

Kabanata 66



Kabanata 66

Matapos iyon sabihin ni Tanner, napunit ang damit ni Madeline.

Sobrang namimilipit sa sakit sk Madeline sa puntong wala na siyang lakas na magpumiglas. Nang

maisip niya na makakatakas dito si Tanner, may sumipa pabukas ng pinto at kumalabog nang malakas.

Gumewang muna sa gilid ang pinto bago bumagsak sa sahig.

Lumingon si Madeline at nakita ang gwapo ngunit nakakakilabot na mukha ni Jeremy na kahawig kay

Satanas.

Nang magtagpo ang mga mata niya at ang mapanlinlang na titig nito, kinilabutan siya. Content (C) Nôv/elDra/ma.Org.

Naglakad palapit si Jeremy at hinila si Tanner na nakaibabaw kay Madeline palayo.

"Ang lakas ng loob mong dakpiin ang anak ko? Sawa ka na bang mabuhay?"

Sinuntok niya nang malakas si Tanner sa gilid ng mukha nito, kaya napahagulhol ito sa sakit.

Natanggal ang isa nitong ngipin at nagsimulang bumuhosbang dugo mula sa kanyang bibig. Sinipa ni

Jeremy si Tanner papunta sa sulok ng pader, at sa sandaling iyon, hindi na makabangon si Tanner sa

sakit.

Matamlay na bumagsak sa sahig si Madeline. Sinibukan niyang takpan ang hubad niyang katawan

gamit ng kanyang sirang damit.

Nandidiring sumulyap sa kanya si Jeremy. "Madeline, mas lalo ka nang gipit kumpara noong dati."

Nasusuklam itong tumingin sa kanya bago maglakad papasok sa kwarto sa loob ng bahay.

Makalipas ang isang sandali, bibitbit niya ang natutulog na si Jackson palabas ng kwarto.

Nang makita ni Madeline na maayos ang lagay ni Jackson, nakahinga siya nang maluwag. Subalit

mapagbanta pa ring tumitig sa kanya si Jeremy. Kaagad siyang nabahala muli.

Nagmamakaawa siyang tumingin dito para makuha ang tiwala niya. "Jeremy, wala akong kinalaman

dito…"

Humagikhik ang lalaki, nakakatakot pakinggan ang boses niya. "Madeline, tingin mo ba bulag o bingi

ako? Dapat kang mamatay."

Pagkatapos niyang sabihin iyon, tumalikod siya kasama si Jackson.

Bumangon si Madeline habang nanlamig ang buo niyang katawan. Pagkatapos, tumakbo siya papunta

sa tabi ng kotse.

Bumuhos ang ulan sa kanyang bugbog na katawan. Nagsimulang kumalat ang sakit sa bawat bahagi

ng katawan kiya.

"Jeremy, patibong ito ni Meredith at Tanner! Matagal na silang magkakilala! Nagsama pa sila noon.

Nagpalaglag si Meredith nang dalawang beses dahil kay Tanner! Jeremy totoo ang sinasabi ko! Wala

akong ginawang masama! Nagsasabwatan sila para mapagbintangan ako!"

Ang mga kamay niya ay nakapatong sa bukas na bintana habang siya ay nagpapaliwanag. Lalong

namula ang mata niya sa putla ng kanyang mukha.

Gustong-gusto niyang makuha ang tiwala nito, kahit gaano kaunti. Ayos na kahit kaunti lamang.

Subalit, di man lang tumingin sa kanya si Jeremy. Sinilip lang siya nito mula sa sulok ng mga mata nito.

"Anong nagawa ni Mer para magkaroon ng kapatid na tulad mo?"

Ang mga salita niya ay puno ng tiwala at pagtatanggol kay Meredith. Higit pa rito, pagkamuhi lamang

ang mayroon siya para kay Madeline.

"Kung hindi dahil kay Mer, mabubuhay ka pa ba ngayon? Ang isang taong tulad mo ay namatay na

dapat matagal na."

Tumagos sa puso niya ang mga sinabi nito.

Unti-unting nawalan ng lakas ang mga kamay niyang nakahawak sa bintana.

"Jeremy, ganoon ba ako kadaling hindi pagkatiwalaan sa puso mo? Kung ganon, bakit mo ako

pinangakuan noon?" Sigaw niya dito habang nasa bingit na ng pagbagsak.

Sumimangot si Jeremy at lumingon sa pagkalito. Kumutya siya at tumingin sa maputlang mukha ni

Madeline.

"Pumunta ka sa doktor kung may sakita ka. Walang nakaraan sa pagitan nating dalawa. Sa isang

babae lamang ako nangako sa buong buhay ko, at ang pangalan niya ay Meredith Crawford."

Pagkatapos niyang sabihin iyon, isinara niya ang bintana.

Ang gwapo niyang mukha ay unti-unting lumabo sa paningin ni Madeline.

Bumagsak siya sa putikan na para siyang nasira. Hinayaan niyang bumuhos sa kanya ang ulan at

hangin.

Ang mga sugat sa kanyang katawan ay hindi kasinsakit ng mga binitiwan nitong salita bago ito umalis.

Ang magandang pagtatagpo na nasa kanyang memorya at ang pangako nito sa kanya noong

hinawakan nito ang kanyang kamay habang sila ay naglakad sa dagat ay nagdilim at nagunaw sa

sandaling ito.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.