Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman

Kabanata 59



Kabanata 59

Sa totoo lang, balisa at hindi pa rin mapalagay di Madeline. Sa kasalukuyan niyang lakas, di niya

malalabanan si Meredith.

Higit pa rito, di niya mabasa kung ano ang ugali ni Jeremy sa kanya.

Nang pinag-iisipan niya ito, may gumalaw sa may hallway.

Tumingala si Madeline nang matanaw niya ang matayog at eleganteng katawan ni Jeremy.

Di pa tumitigil ang ulan, at ang karaniwang malamig na temperatura ay mas lumamig dahil sa ulan.

Napatingin siya at nagtagpo ang mata nila ni Madeline. Napakalalim ng kanyang mga mata. Pata bang

lulubog siya sa mga mata nito sa isang tingin lang.

Hindi maipaliwanag na tumalon ang puso ni Madeline. Nang iiwasan niya ang titig nito, nakaramdam

siya ng bugso ng hangin sa tabi niya.

Hinawakan ni Meredith ang gilid ng kanyang mukha at tumakbo papunta kay Jeremy habang lumuluha.

Pagkatapos ay tumanday siya sa dibdib nito.

"Jeremy…" nanginig ang kanyang boses na parang lubusan siyang inalipusta.

Ayos. This content provided by N(o)velDrama].[Org.

Magsisimula na namang umarte ang mapagpanggap na pokpok na ito.

Tumaas ang sulok ng mga labi ni Madeline sa pagkaaliw. Sawang-sawa na talaga siya dito.

Nanatili ang titig ni Jeremy sa mukha ni Madeline sa loob ng ilang segundo bago damayan si Meredith.

"Anong nangyari?"

Napakabait pakinggan ng boses niya, ngunit di niya pa kailanman ginamit kay Madeline ang tonong ito

noon.

Tumanday si Meredith sa dibdib niya at umiling. "Kasalanan ko ang lahat ng ito. Walang kinalaman dito

si Maddie. Jeremy, kung may gusto kang sisihin, sisihin mo na lang ako na nahulog ako sa maling

oras. Wag mong pilitin si Maddie na hiwalayan ka. Ikinatatakot ko na kapag nagpatuloy ito, sasaktan

na talaga ako ni Maddie at pati so Jack. Di ako makakapayag na may manakit pa sa anak natin."

Malumanay niyang sinabi ang nakakaawa at inoseneng mga salitang iyon, ngunit malinaw na ito ay

nakadirekta kay Madeline.

Nang makita ni Madeline ang nagtatakang tingin ni Jeremy, di na siya nagpaliwanag. Sa halip,

tumango na lang siya. "Tama, dapat lang na mag-ingat ang isang kabit na gaya mo. Baka mabaliw ulit

ako. Di lamang kita papatayin, gagalawin ko rin ang maliit na batang yun."

Huminto si Meredith sa pag-iyak at nagtatakang sumulyap kay Madeline. Kaawa-awa niyang

pinunasan ang kanyang mga luha ilang segundo ang nakalipas.

"Jeremy, natatakot ako. Isipin mo na lang na di tayo itinadhana. Palalakihin ko si Jack mag-isa."

Pagkatapos niyang magsalita, lumayo siya kay Jeremy at tumakbo papunta sa pinto.

Akala ni Madeline na aalis na si Meredith, pero nakita niya itong tumatakbo sa hallway at

nagpapanggap na natapilok. Pagkatapos nito, umupo ito sa sahig na namimilipit sa sakit.

Heh.

Diyos ko naman.

"Mer." Kinakabahang tumakbo palapit kaagad si Jeremy.

Nang makita niya ito, nakaramdam si Madeline ng kirot sa kanyang puso.

Ilang beses ba siya nito ibinato palayo, sinaktan siya sa puntong di na siya makatayo nang diretso?

Kailan siya nito pinahalagahan? Sinisipa pa siya nito at walang-pusong pinapanood.

Tinikom ni Madeline ang kanyang kamao at at tumalikod at naglakad patungo sa hapag-kainan.

Di nagtagal, dumating sila Jeremy at Meredith.

Maasikaso niyang tinulungan ang umiika na Meredith na umupo. Pagkatapos, inutusan niya si Mrs.

Hughes na maghain ng isa pang mangkok ng pasta.

Palihim na tumaas ang labi ni Meredith nang tuwang-tuwa siyang tumingin kay Madeline. Pagkatapos,

malandi niyang binuksan niya ang bibig niya. "Jeremy, masakit ang paa ko. Gusto kong manatili muna

ngayong gabi. Mayroon naman akong pamalit na damit at pang araw-araw na gamit dito.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.