Kabanata 42
Kabanata 42
Nanlamig ang puso ni Madeline nang marinig niya ang tanong ng officer. Dahil din dito ay mayroong
siyang napagtanto.
Matagal na pala itong napagplanuhan. Lahat sila ay kasabwat dito.
Nangyari ang lahat ng ito dahil nahulog ang loob niya sa isang lalaki na hindi niya dapat minahal.
Hinawakan ni Madeline ang malamig na rehas at lumuhod sa lapag.
'Jeremy Whitman, kung pwede ko lang ulitin ang lahat, sana 'di na lang kita nakilala.'
Hindi inaasahan ni Madeline na mabubuhay pa siya hanggang sa araw na makalaya siya mula sa
kulungan.
Siguro dahil ang gamot na pinadala ni Daniel sa kanyang mga tao ay mayroong malakas na epekto
laban sa mga tumor, o kaya dahil ito sa kanyang matinding kagustuhan na makita ang kanyang anak
na dinakip pagkatapos siyang pinilit na manganak. Sa maikling salita, milagro siyang nabuhay.
Maaraw noong araw na nakalabas siya sa kulungan. Subalit, hindi nito naitaboy ang hamog at sakit na
kinimkim niya sa kanyang puso sa loob ng tatlong taon.
Ang pagpapahirap sa kanya sa loob ng halos isang libong araw na iyon ay nakabakat sa buo niyang
katawan at hindi ito maglalaho kaagad-agad.
Pinanood ni Madeline sina Daniel at Ava na nagmadaling lumapit sa kanya. Nang makita ni Ava kung
gaano siya kapayat, hinila niya papunta sa kanyang bisig si Madeline na walang ekspresyon sa
kanyang mukha. "Maddie, 'wag kang natakot. Mags-stay ako sa tabi mo from now on."
Nakaramdam ng bugso ng kalungkutan si Madeline sa kanyang dibdib. Mayroon pa palang tao sa
mundo na nagmamahal sa kanya.
Habang tinitignan ang nanlulumong si Madeline na mukhang sakitin at maputla, nakaramdam ng
matinding pagsisisi si Daniel.
Paulit-ulit siyang humihingi ng tawad kay Madeline. Kung wala lang siya sa ibang bansa noong
napahamak si Madeline, hindi sana niya naranasan ang ganitong paghihirap nang mag-isa.
Binigyan man lang niya sana siya ng abogado para sa kanya.
Tumingin si Madeline kay Daniel na mukhang punong-puno ng pagsisisi. "Dan, thank you. Hindi mo na
kailangang mag-sorry sa'kin. Wala kang kasalanan sa'kin."
'Ang mga taong may kasalanan sa'kin ay ang bruhang iyon, si Meredith Crawford, at ang
napakasamang lalaki na minahal ko ng 12 years.'
Pagkatapos nilang mag-impake, dinala ni Daniel si Madeline kay Adam Brown para sa isang full body
check-up.
Pagkatapos nilang makuha ang resulta, gulat na tumingin si Adam kay Madeline. "Hindi ko ine-expect
na magkakaroon ng magical power ang medication ko para pigilan ang paglaki at paglala ng tumor
mo."
"Kung ganoon, pwede na ba siyang operahan ngayon?" Nagmamadaling nagtanong si Daniel. May
halong pag-aalala ang boses niya para kay Madeline.
Kumunot ang noo ni Adam. "Mataas masyado ang risk kaya hindi natin pwedeng gawin kaagad ang
surgery. Pagpatuloy na lang niya ang medication. Magde-decide tayo pagdating ng araw."
Nadismaya si Daniel nang marinig niya ito. Subalit, sapat na para kay Madeline ang mga resultang ito.
"Thank you, Dr. Brown. Thank you, Dan. Kung hindi dahil sa inyo ay hindi ako makakarating dito.
Masaya na ako na umabot ako ng ganito katagal."
"Anong sinasabi mo?" Tumingin sa kanya si Daniel na may seryosong ekspresyon sa kanyang mukha.
Hinawakan nito ang kanyang mga balikat. "Maddie, hindi ko hahayaan na may mangyari sa'yo."
Nang sinabi niya iyon, nakikita ni Madeline ang nararamdaman nito para sa kanya mula sa kislap ng
kanyang mga mata.
Isang napakapambihirang lalaki si Daniel. Mayroon siyang magandang pinagmulan, makisig na itsura,
at magandang pag-uugali.
Ang isang lalaking kagaya niya ay nababagay sa mas mabuting babae at hindi para sa kanya, isang
babaeng kinasal, pinakulong, at malapit na ring mamatay.
Hindi siya nararapat para sa kanya.
Ayaw niyang makipagrelasyon kay Daniel.
Pagkatapos nilang umalis sa ospital, nagpumilit si Ava na dalhin sa isang salon si Madeline. Sabi niya
ay kailangan niya ng makeover para makapagsimula siya ng bagong buhay.
Hindi makasagot si Madeline laban kay Ava kaya sumunod na lang siya.
Nang makaupo siya sa harapan ng salamin, walang emosyon na pinanood ni Madeline ang barbero na
ginugupit ang kanyang tuyot at magulong buhok. Para bang nakikita niya na ginugupit at sinisira ang
kanyang pagmamahal at obsesyon para kay Jeremy at ang mga magandang alaala sa beach.
Natapos ang lahat noong inutos niya sa ibang tao na dakipin ang kanyang anak habang siya ay nasa
kulungan. Hindi na sila makakabalik pa sa kung ano sila dati.
Pagkatapos ng ilang oras, nagliwanag ang mga mata ni Ava nang makita niya si Madeline. "Maddie,
sayang naman kung hindi ka sumali sa mga pageants."
Walang pakialam si Madeline kung maganda siya o hindi. Tinignan niya ang kanyang sarili na may
maikling buhok at hindi niya ito makilala. Subalit, mabuti na ito. Sa ganitong paraan, pakiramdam niya This is from NôvelDrama.Org.
ay talagang magsisimula na siya ng bagong buhay para sa kanyang sarili.